ILOCOS NORTE - Nasagot na panalangin ang turing ng mga kababayan ng dating Pangulong Ferdinand Marcos matapos malaman na ililipat na ang kanyang mga labi sa Libingan ng mga Bayani sa Setyembre 18.
Ayon kay Crisinta Bagay, ipinagdasal niya ang pangyayaring ito.
"Matagal ko na talagang pinagdadasal at nang malaman ko sobrang nagpapasalamat ako sa diyos dahil si President Duterte lang pala ang makakagawa," sabi ni Bagay.
Samantala, may ilan namang hati ang damdamin sa paglilipat ng labi dahil hindi na nila makikita ang katawan ni Marcos sa musoleyo sa Batac.
"Masaya ako na at last malilibing na siya sa Libingan ng mga Bayani pero okey din sana kung dito lang sa Ilocos Norte siya ilibing para mabilis lang namin siya mabisita," sabi ni Ben Cagaoan, may-ari ng isang shoe repair shop.
Ayon kay Attorney Manuel Aurelio, nararapat na ilibing si Marcos sa Libingan ng mga Bayani hindi dahil siya ay naging pangulo, kundi dahil siya ay naging sundalo.
"If they believe he was not a good president, was he not a good soldier? He was wounded during the war and nearly died for his love on his country, (Kung sa kanila ay hindi siya naging mabuting Presidente, hindi ba siya naging mabuting sundalo? Nasugatan siya sa digmaan at halos mamatay para sa pagmamahal niya sa kanyang bansa)," ani Aurelio.
Umapela rin si Aurelio na respetuhin ang paglibing sa isang dating makapangyarihang tao.
"Now, if they are really against Macoy why don't they dig the history of each and every person that was buried there, I'am very sure they are not all saints. (Ngayon, kung talagang sila ay laban kay Macoy bakit hindi nila hukayin ang nakaraan ng bawat tao na nilibing dito, sigurado ako na hindi silang lahat ay santo)," dagdag pa niya.
Source : http://news.abs-cbn.com/
No comments:
Post a Comment